Vice-mayor adik sa casino

SINO itong vice-mayor ng isang kilalang lungsod sa Metro Manila na naloloko sa ngayon sa casino? In fact, pinagsabihan siya kamakailan ng kanyang mayor na kapag hindi siya tumigil sa kanyang bisyo ay ibubulgar niya ito sa publiko.

Pero, in fairness kay vice-mayor, marami naman siyang natutulungang mga tao kahit nagsusugal siya. Kaya mas maganda sana kung sa 2013 ay tandem pa rin sina Mayor “L” at Vice-Mayor “F” dahil pareho namang maganda ang ginagawa nila.

Si Vice–Mayor “F” kasi, naging busy sa pagpunta-punta sa casino na ayon sa aming mga spy ay mukhang laging talo. Ang inaalala ng kanyang mga kaibigang reporters ay baka matalo si Vice–Mayor “F” sa 2013 kapag hindi siya nagtigil sa kanyang bisyo.

Ang nasabing vice-mayor ay mabait sa media at malapit sa puso ng masa. Kilalang–kilala siya ng isang senador na tumakbong presidente ng bansa dahil pareho kasi silang galing sa hirap. Kaya kung kami kay vice, itigil na niya ang kanyang bisyong pagpunta-punta sa casino. Mabuti lang sana kung hindi siya kilalang sikat na politiko.

Kaso mo sikat na sikat si Vice–Mayor “F.”

00000

NAGSIMULANG Barangay Kapitan sa Pinagbuhatan Pasig City si Konsehal Rodrigo Asilo ng ikalawang distrito ng Pasig City.

Kasalukuyang Chairwoman ang kanyang asawa na si Monina Asilo at sa kanilang pamumuno, nabawasan ang mga kaguluhan sa nasabing lugar. Mataas kasi ang pagtingin ng mga tao kay Konsehal Asilo lalo pa’t madali itong lapitan ng mga taong nangangailangan ng kanyang tulong.

Siya rin mismo ang humaharap ng personal sa mga taong may problema. Hindi ba siya tulad ng ibang pulitiko iniaasa sa kanilang mga staff.

0000

ANG programang Eat Bulaga ay nagdo–donate ng mga silya sa iba’t ibang school sa bansa. Isa ‘yon sa mga proyekto ng nasabing number one noontime show kaya naman maraming mga kababayan natin ang natutuwa dahil nagbibigay saya at tuwa na nga ang Eat Bulaga, tumutulong pa sa mga school na kapos sa mga gamit.

Kaya naman maraming pumapasok na commercials sa nasabing show dahil good karma ang mga ito pati na rin ang kanilang mga hosts.

Kaya suportahan po natin ang EB mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7 lang Po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply