Vice mayor ng GenSan hindi pinapasok sa gym

NABAHIRAN ng pulitika ang laban nina Sarangani Rep. Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez nang hindi papasukin sa gym upang manood si General Santos City Vice Mayor kahapon (Nobyembre 13).

Kung may ilan kababayan ang hindi kuntento, dismayado naman si General Santos City Vice Mayor Shirlyn Bañas Nograles sa kanyang pagpunta sana sa General Santos City Gym upang manood sa laban ni Pacquiao at Marquez ng ito’y tanggihan umano ng isang miyembro ng Civil Security Unit (CSU) na nakabantay sa pintuan.

Ayon kay Nograles, tinanggihan na siyang makapasok dahil puno na umano sa loob ng gym subalit laking gulat na lang nito na nang sumunod si Mayor Darlene Antonino Custodio at diretso na itong nakapasok sa loob na hindi man lang sinabihan na puno na sa loob.

Aniya nagpakilala pa siyang vice mayor ng Gensan sa isang CSU na nakilalang isang Nestor subalit tinanggihan pa rin siyang makapasok kaya ito nagdesisyon na sa Barangay Bula gym na lang manood ng laban ni Pacquiao.

Malaki ang paniniwala ng opisyal na politika ang nasa likod kung bakit hindi man lang siya pinapasok sa loob. Napag-alaman na magkaiba ng partido ang mayor at bise mayor ng Gensan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply