Victory motorcade para kay Pacquiao ikakasa ni Mayor Lim

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang lokal na pamahalang lungsod ng Maynila sa staff ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao para sa ibibigay na victory motorcade para sa pagbabalik ng boksingerong mambabatas.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, ang aktibidad ay upang ipakita kay Pacquiao ang pagkilala sa kanyang tagumpay matapos nitong mapanatili ang World Boxing Organization welterweight crown laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Ang paghahanda ng lokal na pamahalang lungsod ng Maynila ay isa lamang sa preperasyong isinasagawa ngayon tulad ng kanyang mga kababayan sa Sarangani.

Sa mga nagdaang laban ni Pacquiao, binigyan din ni Lim ng hero’s welcome at thanksgiving mass si Pacquiao sa kanyang pagbabalik sa bansa bago mag-courtesy call sa Palasyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply