VIP rooms sa QC clubs

NAKABABAHALA ang nasagap na impormasyon ng Chokepoint tungkol sa tunay na gamit ng mga VIP room sa mga club sa Quezon City.

Ang nalalaman natin, ang VIP rooms ay ‘ginawa’ para magkaroon ng ‘choice’ ang customer sa paghahanap ng ikasisiya ng sarili.

May mga customer kasi na ayaw na nalalantad sa maraming tao, o kaya’y ayaw ang maingay kaya pumapasok sa VIP room.

Pero ano itong ulat na ipinaabot sa atin? Ang mga VIP raw sa mga club sa QC ay ginagawa nang bentahan ng laman.

Hindi na ito ginagamit sa dapat paggamitan kundi ginagamit na itong kalkalan at parausan ng mga mabobogli na kostumer.

Kung sino ang tinitira at pinagpaparausan…aba’y sino pa kundi ang mga batam-batang chiching din na nagtatrabaho sa club!

Sa kumpas ng bugaw na mga floor manager, makukuha na ang ‘choice girl’ “if the price is right,” kuwento ng informant.

Ang kalakaran na ito sa mga VIP room ay ‘di na raw pinapansin ng awtoridad dahil may usapan na sila sa mga club owner.

Kumbaga, ‘di hinuhuli ang ‘di kanais-nais na kalakaran sa VIP rooms dahil may ‘lagay’ na tinatanggap daw ang awtoridad.

Kaya pala wala tayong naririnig na raid sa mga ito ang  kapulisan kahit na ang National Bureau of Investigation.

Sa atin eh, ano ang pakialam natin sa nangyayari sa mga club na ito. Ang concern natin ay ang resulta ng katarantaduhan na ito.

Pakiwari natin, tila baga kinukunsinti na ng mga kinauukulan ang ganitong mga nangyayaring sex trade sa VIP rooms.

Baka ‘di natin alam – kaya dumarami ang HIV case sa bansa ay dahil sa sobrang  kapabayaan natin sa lumalalang sex trade.

‘Di lang sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista, kundi sa buong bansa, ang bentahan ng laman ay tila nakukunsinti na.

‘Di lamang din sa VIP rooms, kundi mismong sa kalsada ay nagaganap ang bentahan ng laman – halimbawa’y ang Quezon Avenue.

Kung nais ang panandaliang kaligayahan, napakaraming chiching na naghihintay sa lugar na ito – kahit sa kaunting halaga lang.

‘Di lang si Mayor Bistek ang dapat kumilos, kundi ang pamahalaang Aquino kung nais nating magamot ang problemang ito. O ano pa ang iniintay ninyo riyan?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply