Virgin pa kaya di muna priority ang girlfriend

MASARAP kausap si Derrick Monasterio sa presscon ng horror film na “The Road” na produced ng GMA Films at idinirek ng box office horror director na si Yam Laranas.

Kasi, simultaneous ang sagot niya tungkol sa personal na buhay niya. Tulad nang sabihin ni Sarah Lahbati na may pag-asa si Derrick sa kanya. Ibig sabihin ng dalaga sa tamang panahon ay puwede niyang maging boyfriend ang gwaping na young actor.

Sa tanong namin kay Derrick kung ano ang reaction niya sa tinurang ‘yun ni Sarah, walang gatol niyang sinabing: “Lumundag ako sa tuwa. Kung sakaling kami’y magkakarelasyon, siya ang first girlfriend ko.

“Sa school naman ay panay biruan lang kami ng mga kaklase ko. Mas priority ko ang future ko kaysa makipag-girlfriend ako.

Inasikaso ko ang pag-aaral ko. Di naman ako nabigo, nasa top ako ng klase noon, di sa pagyayabang. Busy rin ako sa choir at larong basketball.

“Ngayon namang nasa showbiz ako, dahil 16 lang ako ay di pa ako seryoso sa pakikipagrelasyon. Career muna dahil bata pa naman ako. May gusto akong marating.

“Kaya sa nagtatanong kung virgin pa ako, totoo virgin pa ako.”

Alam na raw namin kung saan siya virgin.

Tungkol sa The Road, tinanggap agad ito ni Derrick dahil kapag horror ay seryoso ang acting niya rito. Iyan ang gusto niyang mangyari kapag umaarte. Kasi sa programa nilang Tween Hearts, panay pa-tweetums lang ang ginagawa nila sa Sunday series ng GMA-7.

000

SAMANTALA, ang co-star ni Derrick Monasterio sa The Road na si Barbie Forteza ay fourteen years old na ngayon. Enjoy si Barbie sa The Road kasi nagawa niyang manakot at matakot sa mga eksena. Sanay na siya sa mga hiyawang scenes. Talagang may eksenang natakot siya talaga. Pero sa utak niya, alam niyang umaarte lang siya. Di pa naman daw siya nakakikita ng multo.

Pero sa kanyang personal na buhay, nasabi niyang di siya biniyayaan ng malaking dibdib. Magkaganunpaman, umaasa siya na sa darating na mga taon ay lumusog na rin ang kanyang dibdib.

Ani Barbie: “Contented na naman ako sa anumang ipinagkaloob sa akin ng kalikasan. Pero nadadadaya na naman iyan. Lagyan ko ng kutsinta. Pero never na sumagi sa isip ko na magpa-enhace ako. Saka bata pa naman ako. Ang mother ko at mga relatives ko ay pinagpala naman. Baka, magmana ako later on.”

Na-miss ni Barbie habang iniinterview namin siya ang kanyang ka-love team na si Joshua Dionisio. Madalas kasi silang magkulitang dalawa kaya nami-miss niya ito.

As usual, hanggang friends lang daw silang dalawa pero sa kwento ngayon ng Tween Hearts tuwing Sunday sa pagbabalik ni Joshua sa eksena ay may pagbabago na sa kanilang relasyon.

Magiging mag-on na sila kaya? Nung una’y sa istorya’y sinagot na niya si Joshua pero tinutulan ng kanyang mga magulang dahil sobrang bata pa sila. Pero, like I said awhile ago, iba na raw magiging takbo sa pagbabalik nito mula sa America based sa istorya ng soap.

Sa kabilang banda, sina  Bea Binene at Jake Vargas ay magkakamabutihan din. Ikagugulat ng lahat ang kanilang palagayan.

000

NAG-UMPISA na ang panibagong pakikipagsapalaran ni Aga Muhlach sa disyerto ng Dubai sa kanyang programa sa TV5. Ngayong Linggo, sa tubig naman lulusong si Aga!

Kung inaakala n’yong puro disyerto lang ang makikita sa Dubai, nagkakamali kayo! Sa Dubai Mall, isa sa mga pinakamalaking mall sa buong mundo, natagpuan ni Aga ang Dubai Aquarium and Underwater Zoo.

Ang Dubai Aquarium ang may tangan ng Guiness Book of Records bilang World’s Largest Acrylic Panel.

Mahigit sa 30,000 sea creatures din ang matatagpuan dito.

000

MULI na namang magbibigay ng information na nakakaaliw si Sen. Bong Revilla sa programang Kap’s Amazing Stories ngayong Sunday. Nakatutuwang panooring ang prog- rama dahil ngayon mo lang nalalaman ang tunay na buhay ng mga insekto sa kagubatan. Bukod pa rito, hindi lahat sa isang lugar lang naninirahan ang mga insekto. May particular lang na parte mundo kung saan sila puwedeng manirahan.

Patuloy niyang tatalakayin ang topic na Life in the Undergrowth.

Mapapanood ang Kap’s Amazing Stories pagkatapos ng Pepito Manaloto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply