‘Wag magpapadala sa awa kay GMA – PNoy

TIWALA ang Malakanyang na hindi magpapadala sa awa ang taumbayan sa mga nangyayari ngayon kay dating Pangulong

Gloria Macapagal-Arroyo na kasalukuyang sumasailalim sa

hospital arrest.

Umaasa si Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya nag-iisa sa paghahanap ng katotohanan para mapagbayaran ng mga nagkasala ang kanilang mga nagawang kasalanan.

Ang hangad ng Chief Executive ay patuloy na magkaisa at magkapit-bisig ang taumbayan sa paghahanap ng katotohanan lalo pa’t para ito sa mas magandang Pilipinas.

Aniya, ito ay para sa bagong bansa kung saan naghahari ang hustisya at umiiral ang pagkapantay-pantay ng mamamayan.

Sa kabilang dako, siniguro naman ng Pangulong Aquino na magiging patas ang proseso kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at bibigyan ng pagkakataon para sagutin ang lahat ng mga alegasyon.

Siniguro rin ng Punong Ehekutibo na mananaig ang batas na walang kinikilingan, maging mayaman man o mahirap, sa mga nakapuwesto o mga ordinaryong manggagawa.

Nagsimula na ang proseso para kay Ginang Arroyo upang harapin ang kaso na nakasampa laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply