Wage increase inalmahan ng ECOP

MARIING tinututulan Employer Confederation of the Philippines (ECOP) ang hirit na wage increase ng mga manggagawa.

Sinabi ni ECOP President Ed Lacson, hindi pa maaaring magkaroon ng wage increase dahil katatapos lang ng wage increase order. Aniya, dahil dito ay hindi pa ito pwedeng talakayin.

Base sa batas 12 buwan muna ang kailangan bago magkaroon ng discussion kaugnay ng minimum wage.

Dagdag pa niya, may walong rehiyon pa sa bansa ang hindi pa nakakapag-increase ng kanilang minimum wage kaya kung magkakaroon na naman ng diskusyon, mapag-iiwanan ang naturang walong rehiyon.

Ang pahayag ni Lacson ay matapos na magprotesta sa kalsada ang ilang militanteng grupo na humihiling sa gobyerno ng panibagong umento sa sahod para sa mga manggagawa.

Ayon sa mga nagprotesta, patuloy ang pagtaas ng gastusin ng Filipino pero mababa naman ang sahod na pumapalo lang sa halos P400 kada araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply