Wala nang ganang mag-host ng show

UMIIWAS na pala si Zoren Legaspi na mag-share ng blind items sa Paparazzi. Nitong nakaraang Linggo, di siya dumating sa oras sa show para makaiwas siya sa opening part ng show na sharing ng “baon” na blind items.

Pati raw kasi ang “misis” n’yang si Carmina Villaroel ay nakakantsawan sa pagiging umano’y pagiging “tsismoso” n’ya.

Actually, parang inappropriate naman talaga para sa mga artista na magtsismis in the form of blind items in front of the camera tungkol sa mga kapwa nila artista. Parang betrayal of trust and confidence kasi yon. Kasing sama yan ng reporter na magkakamaling isulat ang mga kabalahuraan ng kapwa n’ya reporter. Mga kabalahuraang napag-aalaman n’ya dahil may tiwala ang colleague n’ya na di kakalat sa pamamagitan ng media ang mga kabalahuraan n’ya.

Okey lang na mag-interbyu on-camera ang isang artista at magtanong nang walang takot tungkol sa private life ng kapwa n’ya artista. May choice naman ang iniinterbyu na huwag sagutin ang tanong, o magsinungaling sa pagsagot ng tanong, o daanin sa biro o sa wittiness ang sagot. Kung nau-offend ang iniinterbyu, pwede pa nga n’ya sagutin ang nag-iinterbyu very sweetly na magpalit sila nang puwesto para ang interviewer ang sumagot ng offensive question n’ya.

Okey lang na mag-blind item ang mga reporter o ang mga TV host na hindi naman artista. Trabaho naman ng mga reporter at news magazine hosts na mag-report in one form or another, including in the form of blind items. Ang parang talagang unethical ay ang mga artistang nagba-blind item tungkol sa kapwa nila artista– lalo pa’t walang opportunity ang ibina-blind item na i-clarify ang blind item o itanggi ang blind item.

Iri-retain pa kaya ng TV5 si Zoren bilang host ng Paparazzi kahit na ayaw na nito na mag-blind item?

We have a feeling na yes, iri-retain pa rin siya. After all, si Alex Gonzaga, niri- retain nila sa Juicy kahit na walang latoy ang mga blind item na baon n’ya ru’n. Love na love pa rin naman siya ng main host ng show na si Cristy Fermin, at ang term of endearment pa nga ni Cristy kay Alex ay “ang aming prinsesa.” Tuwing magsasabi na si Alex ng baon n’yang blind item na walang kalatuy-latoy, lagi siyang binibiro ni “Inay Cristy” na ang baon n’yang blind item ay tiyak na makapagpapabago sa ekonomiya ng bansa at posibleng makapagpababa ng presyo ng bigas. Nakasanayan na rin naman ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na ngitian lang ang biro ni Inay Cristy. Napaka-harmless naman kasi ng blind items ni Alex– halimbawa’y kung sinong kapwa n’ya showbiz personality ang nakasabay n’yang mag-gym.

Pero parang tama naman ang ginagawa ni Alex na ayaw n’yang mag-juicy blind item tungkol sa kapwa n’ya artista. Ayaw n’yang bastusin ang kapwa n’ya artista.

Speaking of blind item, gusto naming i-confirm yung tsismis ng isang broadsheet tungkol sa isang hunk actor na ang latest sweetheart ay mahaba ang buhok gaya rin nung supposedly ay binreyk na n’yang artistang leading shampoo model.

Pero yung latest sweetheart na mahaba rin ang buhok ay … may bigote at maskulado!

Madalas gumala-gala sa Rockwell sa Makati ang hunk actor kasama ang long-haired lover n’yang may bigote at maskulado. Di pa rin siksikan sa tao ang Rockwell kaya malakas ang loob ng hunk actor na gumala-gala ru’n kasama ang long-haired lover n’ya. Ang nagbalita sa amin nito ay isang kaibigan namin na nagtatrabaho sa isa sa mga shop sa Rockwell.

Ibang klase ring mag-inarte ang closet queen na hunk actor na ito. Minsan, nag-birthday celebration sa isang Sunday noontime show ang dati n’yang lover na kapwa aktor n’ya sa isang network. Isa sa mga host ng show ang hunk actor.

Nung ini-interview na n’ya ang aktor na dati n’yang lover, parang diring-diri siya. Ni ayaw n’yang lapitan at kamayan ang birthday celebrator!

Pero inis lang siguro ang bading na aktor sa callboy-ing ex-lover n’ya na ibinili pa naman n’ya ng mamahaling kotse.

Actually, nakipag-break sa callboy-ing aktor ang girlfriend n’yang TV host nung malaman nito na ang mamahaling kotse ng BF n’ya ay regalo ng bading na hunk actor. Kaso sa halip na lagi siyang makipagkita sa bading na hunk actor, nanligaw ng aktres ang mala-callboy na aktor– at sinagot naman siya ng aktres. Hindi na sila laging nakakapag-date ng mala-callboy na actor and eventually ay nag-break na sila. Hindi na mabawi ng bading na hunk ang iniregalo n’yang mamahaling kotse. Yon ang dahilan kaya nagpapanggap ang bading na hunk na nandidiri sa ex-lover n’yang aktor nung mag-birthday celebration ito sa sikat na sikat na Sunday noontime show na yon.

Happily, may bagong long-haired lover na ang napakaguwapong bading na hunk actor. Siyempre pa, mas masaya siya na laging kasama ang bigotilyo n’yang lover kesa sa supposed girlfriend n’ya na long-haired shampoo endorser.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply