Wala nang malalaga

HINDI na totoo ngayon ang kasabihan ng lolo ko na kung may tiyaga, may nilaga.Kung may totoo man, walang iba kundi ang ikaw ang lalagain kung magtitiyaga ka.Paano?

Sa kontraktuwalisasyon sa hanay ng milyones na obrero.oOoItong si Sen. Ed Angara mismo ay nababahala sa kontraktuwalisasyon at napuna niyang sa buong bansa na isinasagawa ito ng mga employer.Sa kontraktuwalisasyon, Suki, walang regular na empleyo at hanggang limang buwan lang ang empleyo mo.

Wataymen, sibak ka sa trabaho, Suki, makaraan kang lagain ng employer mo kahit nagtiyaga ka pa.Kadalasan pa, kinakaltasan ang mga obrero ng SSS, PAGIBIG, at Philhealth pero wala palang remittance ang mga employer.Pero ang nakatatakot talaga sa kontraktuwalisasyon ay ang nililikha nitong gutom sa mga obrero, paghinto ng nag-aaral nilang mga anak, pagpapalayas sa kanila sa kanilang inuupahan o pagkakaremata ng hinuhulugan nilang tahanan, pagkakaputol ng kuryente at tubig, kawalan ng pampaospital o pambili ng gamot at marami  pang  nakalulungkot na pangyayari.

Kung pagsasamahin ang mahigit nang pitong milyong kontraktuwal at nasa 5 milyong istambay o walang mapasukang trabaho o hanapbuhay na obrero, hindi na lamang sakit sa ulo ang dadapo sa iyo.Lalo na kung ikaw mismo ang biktima nito.oOo  Ito ngayon,

Suki, ang gusto nating harapin ni PNoy.Higit na mas mabigat ang problemang ito kumpara sa inagkakaabalahan niya at ni De Lima na paghahanap ng paraan para maipakulong nila si Gloripie at dyowa nitong si Mike.

Mabilis na dumarami ang mga kontraktuwal at habang nagaganap ito, lumalala naman ang grabeng paghihirap ng nakararami.

O PNoy, paano ito?oOoPacman, mabuhay ka sa panalo mo kay Marquez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply