Walang dahilan para ma-impeach si PNoy– Palasyo

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para sampahan ng impeachment complaint si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na wala namang nilalabag sa Saligang Batas ang Pangulo kaya’t malabong maging matagumpay ang impeachment complaint na isinampa laban dito.

“I cant speculate but as far as im concerned there is no impeachable case,” ani Lacierda.

Samantala, walang pakialam si Lacierda kung putulin man ni Atty. Ferdinand Topacio ang kanyang “bayag” at isangkalan sa pangakong magbabalik sa bansa ang dating First Couple para payagan ng pamahalaan na makapagbiyahe sa ibang bansa.

“I hope you wont do monologue the other thing is if he wants to castrate himself its up to him you’re asking if former president will come back of course she will come back if cases filed in court I doubt if she will come back under the term of President Aquino,” ayon kay Lacierda.

Tila nang-iinis naman si Lacierda nang sabihin nitong “we wish her well” patungkol kay dating Pangulong Arroyo na kasalukuyan pa ring nasa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

“We would like to precondition she had high blood pressure we wish her well but we ask her to prevent another blood pressure by staying in hospital and perhaps wait for oral argument on Tuesday,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply