Walang paki sina PNoy sa mahal na kuryente

NALULULONG sina PNoy sa mga giyerang pulitikal at tila nakalilimutan nila ang mga mabibigat na problema sa repablik ni Juan na talaga namang pinagmumulan ng sari-saring krisis at kagutuman.

Umiikot ang puwit nina PNoy kung paano nila maipakukulong si Gloripie, ang waswit nitong si Big Mike, kamag-anak ng mga ito at iba pang umabuso sa kanilang poder noon.

Sa kabilang banda, wala tayong naririnig na magagandang balita ukol sa kung ano-ano ang ginagawa para makakalas sa krisis at gutom si Juan.

Kung meron man, puro pambubuwisit naman o lalong nagpapalala sa krisis at kagutuman.

oOo

Por eksampol ang kuryente. Umiiyak na ang mga negosyante, ismol en big alayk, sa mahal nito.

Umiiyak din maging ang mga mamamayan.

Ganundin ang gobyerno kaya dumarami ang mga balita na may mga istasyon o kampo ng mga pulis, sundalo at bumbero na hindi nakababayad ng kuryente.

Marami ring lokal na pamahalaan, mula barangay  hanggang city hall, ang baon na baon sa utang sa mga kompanya ng kuryente.

Hindi dahil sa maaksaya ang mga ito kundi napakamahal talaga ang kuryente.

oOo

Sa pagsasara o pagkalugi o hingi pagtatayo ng mga negosyo dahil sa mahal na kuryente, marami ang nawawalan ng trabaho.

Gutom at hirap ang ibig sabihin niyan.

Ang mga pulis at lokal na pamahalaan, nawawalan naman ng pondo para sa programang  peace and order kaya lumalala ang krimen.

Mula Batanes hanggang Jolo, Suki, ang mahal na kuryente kaya mula Batanes hanggang Jolo rin ang mga krisis at kagutuman na nililikha nito.

O PNoy, buwis lang ba ang interes ng gobyerno rito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply