Walang special treatment kay GMA – Alan

HINIKAYAT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang Palasyo na manatiling tapat sa kanilang posisyon na hindi dapat bigyan ng special treatment si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kinahaharap na kaso.

“Hate the sin but love the sinner. Labanan natin ang pandaraya, ang pagnanakaw, at ang pandarambong. Pero ‘yung compassion din natin sa mga tao, kung may sakit talaga, kung talagang may special needs, ibigay ‘yon,” aniya.

Ngunit, sinabi ni Cayetano na hindi dapat magpabiktima ang administrasyon ang taktika ng kampo ni Arroyo na umiiwas sa kaso matapos hilinging ilagay sa house arrest ang dating chief executive sa halip na ideteni sa isang pasilidad ng pulisya.

Aniya, ngayon ang panahon upang harapin ni dating Pangulong Arroyo ang katarungan at musika kaya hindi siya dapat bigyan ng special treatment.

Ipinaliwanag ng lider ng minorya na kung kagustuhan ng kampo ni Arroyo na isulong ang isyu, nasa kanilang balikat kung paano maipakikita na may kakaibang pangyayari na payagan ang house arrest.

Pinag-iingat din ni Cayetano ang administrasyon na baka gayahin nito ang landas na tinahak ng dating pamahalaan upang mabigyan ng katarungan ang kasalanan ni Arroyo.

“Sila [the Arroyos] kasi, para habulin ang mga kalaban niya, o protektahan ang sarili nila, they violated laws. The challenge to this administration is to prosecute her without doing things wherein the end will justify the means. Do it within the legal bounds,”  ayon kay Cayetano.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply