Wanted naputukan sa ari, arestado

DOBLENG kamalasan ang nalasap ng isang wanted sa lungsod ng General Santos matapos itong maputukan ng kalibre .38 sa kanyang ari.

Ang wanted na si Jimmy Pabular ng Barangay Conel, General Santos City ay lasing umano at nakipag-away at nakipag-agawan ng baril. Sa kasamaang palad ay naputukan ito at natamaan ang sa kanyang bayag.

Sa pagresponde ng pulisya, nalaman na si Pabular ay may standing warrant of arrest sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property.

Kasalukuyang nasa isang ospital ngayon si Pabular habang nagpapagaling subalit ito ay nakaposas at binabantayan ng pulisya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply