Waterfront hotel sa Cebu puputulan ng kuryente

NAGBABALA ang Visayan Electric Company (VECO) na puputulan nila ng kuryente ang Waterfront Cebu City Hotel kapag hindi pa nagbayad ng ninakaw na kuryente mula sa electric company.

Ayon sa tagapagsalita ng VECO na si Ethel Natera, tanging nagpipigil sa gagawin nilang hakbang ay ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Energy Regulatory Commission (ERC) pabor sa hotel.

Hiniling ng hotel management na pigilan ng ERC ang VECO para putulan ito ng kuryente matapos madiskubre ang pilfering ng kuryente simula pa noong 2007.

Umabot sa P168 milyon ang gustong kolektahin ng VECO mula sa management ng hotel na ninakaw ng hotel management.

Handang makipag-areglo ng VECO sa Waterfront Hotel na bayaran ang kanilang obligasyon  kasabay ng paghingi ng public apology.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply