WLO kay dating FG ‘di awtomatikong maibabalik

HINDI awtomatiko na mailalagay muli ang pangalan ni dating First Gentleman Mike Arroyo  sa watch list order (WLO), makaraang maisama muli ang kanyang pangalan sa iimbestigahan ng Ombudsman kaugnay s aisyu ng chopper mess.

Ito ang nilinaw ni  Justice Secretary Leila de Lima  kung saan maingat na umano sila sa pagpapalabas ng WLO dahil na rin sa batikos na kinaharap nila laban sa mga Arroyo.

Sakali naman aniyang ibabalik sa watch list ng Bureau of Immigration (BI) si Mike Arroyo ay kailangan muna itong hilingin sa Ombudsman.

Kailangan din na niyang pag-aralan mabuti kung sakop ng inilabas na TRO ng Korte Suprema ang DOJ Circular 41 o ang watch list lamang laban sa mag-asawang Arroyo.

Ang WLO ng dating FG ay una nang inalis ng DOJ matapos na maabsuwelto sa kasong electoral sabotage na kisasangkutan din ng kanyang asawa  na si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply