WLO laban kay FG inalis na

INALIS na ng Department of Justice (DOJ) ang watchlist order (WLO) laban kay dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ang pagkansela sa WLO ay matapos maabsuwelto ang dating FG kaugnay sa 2007 election fraud.

Bukod dito, tinanggal na rin sa Immigration watchlist ang mga pangalan nina Bong Serrano, Andrei Bong Tagum at Jeremy Javier.

Pinirmahan ni Chief State Counsel Ricardo Paras ang order na sinasabing tinanggal na ang pangalan ng mga respondents sa watchlist orders matapos maabsuwelto ang mga ito sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code at electoral sabotage.

Dahil dito, maari nang makalabas ng bansa anumang oras ang mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply