Zaldy Ampatuan aapela sa CA

AAPELA sa Court of Appeals (CA) si Zaldy Ampatuan, suspek sa Maguindanao Massacre, na irekonsidera ang pagbasura ng desisyon sa kanyang kahilingan na maalis ang kanyang pangalan sa ‘”charge sheet.”

Ayon  sa abogado ni Zaldy na si Atty. Redemberto Villanueva, plano nila na maghain ng motion for reconsideration sa  loob ng  susunod na dalawang araw.

“We will file the MR not later than this week,” ayon kay Villanueva.

Gayunmanm tumanggi naman si Villanueva na ihayag ang argumento na kabilang sila sa mosyon na kumbinsihin ang CA na baligtarin ang desisyon.

Ang planong pag-apela ni Zaldy ay salungat naman sa legal na aksyon ng kanyang ama na si Andal Sr. na hindi kumwestyon sa CA ruling noong Pebrero nang i-deny ang kanyang kahilingan na malinis sa kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply