Zaldy Ampatuan suspek pa rin sa Maguindanao massacre

MANANATILI pa ring suspek  si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan matapos na ibasura ng Court of Appeals ang kanyang petisyon na matanggal ang kanyang pangalan sa listahan ng mga suspek sa Maguindanao massacre.

Sa botong 4-1, ibinasura ng 11th Division ng appellate court ang petition for review ni Ampatuan.

Una na ring ibinasura ng CA ang kaparehong petisyon inihain naman ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr. na ama ni Zaldy.

Kasama rin sa kinasuhan ang isa pang anak ni Andal Sr. na si dating Datu Unsay Mayor Andal, Jr.

Magdadalawang taon na rin  sa Nobyembre 23  ang  karumal-dumal na pagkamatay ng mga miyemrbo ng media  nang tambangan ang mga ito  dahil sa awayan ng dalawang nagbabanggaang pulitiko sa Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply