Zambales niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

INUGA ng magnitude 6.0 earthquake ang Zambales province sa northern Philippines na sinundan pa ng apat na aftershocks, ayon sa ulat kaninang umaga ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, wala namang naiulat na nasirang gusali at imprastraktura dahil naganap ang naturang lindol sa “offshore.”

Ang lindol na tectonic in origin ay naramdaman 94 kilometro timog-kanluran ng Palauig, Zambales dakong alas-8:26 ng umaga at may lalim itong 16 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Quezon City; Manila; Mandaluyong City; Ortigas, Pasig; Makati City; Obando, Bulacan; at Baguio City.

Sinabi ni Solidum na naitala ang mga aftershocks dakong alas-8:41 ng umaga na may magnitude 3.1 (94 kms northwest ng Palauig), alas-9:07 ng umaga na may magnitude 2.9 (103 kms northwest ng Palauig) at alas-9:27 ng umaga na may magnitude 3.8 (90 kms northwest ng Palauig)

Sinabi pa ni Solidum na inaasahan na magkakaroon pa ng mga aftershocks dahil na rin sa naitalang high magnitude ng lindol.

Sa hiwalay na ulat ng US Geological Survey (USGS) ay nasukat din ang lakas ng lindol sa magnitude 6.0.

Naganap ang lindol 230 kms kanluran-hilaga-kanluran ng Manila. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply