Zero crime rate inaasahan sa laban ni Pacquiao

INAASAHAN na ang zero crime rate bukas (Nobyembre 13) dahil sa pagiging abala ng samabayanan sa inaantabayanang laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Kaugnay nito, excited na ang mga tao sa buong bansa, isang araw bago ang itinakdang sagupaan.

Kasabay ng mga ito ang ina ni Pacman na si Mommy Dionesia ay nagsisimula nang mag-rosaryo para sa tagumpay at gabay ng kanyang anak.

Samantala, bukod sa Philippine National Police (PNP) ay naka-alerto na rin ang militar sa laban ng pambansang kamao bukas.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban Jr., maglalagay sila ng ‘free screening’ ng laban para sa mga sundalo at kanilang pamilya. Ang mga naka-duty naman ay pahihintulutan na lamang manood ng replays. Ito ay para magampanan pa rin ng maayos ng mga sundalo ang kanilang tungkulin.

Bagama’t palaging mababa o halos walang naitatalang karahasan sa araw ng laban ni Pacquiao ay ayaw naman nilang magpaka-kampante sa lagay ng peace and order sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply