‘Largest kris-kringle’ sa Pilipinas kinilala ng Guiness World Records

OPISYAL nang idineklara ng Guiness World Records (GWR)  ang pagbasag ng Pilipinas sa  kasalukuyang record sa pinakamaraming nagpalitan ng regalo o Kris Kringle sa iisang pagkakataon na magkakasabay na isinagawa sa Pilipinas, Hong Kong, Singapore at Taiwan.

Inihayag ni GWR adjudicator Jack Brockbanks, isang British national, sa harap ng libo-libong pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na lumahok sa record breaking Kris Kringle sa Rizal Memorial coliseum, sa Maynila,  na nalamapasan ng Pilipinas ang kasalukuyang record na 1,562 na hawak ng United Kingdom (UK).

Sa pinakahuling bilang ng grupo ni Brockbanks, umabot sa 4,385 ang OFWs at pamilya nito ang lumahok sa naturang Kris-Kringle at inaasahang tataas pa sa magkakasabay na seremonya sa 4 na bansa.

Hawak na ngayon ng Pinas ang trono sa nasabing titulo sa pagpupunyagi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Globe Telecom bilang bahagi ng pagdiriwang na rin ng taunang OWWA Family Day.

Ayon kay OWWA administrator Carmelita Dimzon at Rizza Maniego -Eala, group head,  International Business ng Globe Telecom, ito’y bilang pagkilala sa OFWs at pamilya nito para mabigyan sila ng kasiyahan ngayong Kapaskuhan bagama’t malayo s akanilang mga mahal sa buhay.

Naging makasaysayan ang pagdiriwang ng OFWs family day sa taong ito dahil sa pagkakatala ng Pinas sa GWR at patuloy na pagkilala sa OFWs bilang mga bagong bayani na prayoridad at laging una sa agenda ng OWWA.

Dagdag pa rito ang pagpapa-raffle ng iba’t-ibang appliances at apat na tig-1,000 US dollars mula sa Globe.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply