‘Oplan Walis’ sinimula na ng MPD

PORMAL nang inilunsad ng Manila Police District (MPD) ang “Oplan Walis” kung saan layunin ng  kapulisan na linisin ang lungsod mula sa mga nagkalat na basura at kriminal.

Sa ginanap na People’s Day, sinabi ni MPD director Sr. Supt. Alex Gutierrez na nais nilang  ipakita  sa publiko na sanay sila sa lahat ng uri ng paglilinis alinsunod na rin sa utos ni  Manila Mayor Alfredo Lim.

Ayon kay Gutierrez, nais nilang  ibalik ang linis at ganda ng Maynila mula sa mga basura at criminal  kung saan nagiging batayan upang hindi pasyalan ng  publiko.

Sinabi ni Gutierrez, na sinimulan ang “Oplan Walis” sa lahat ng mga police station kung saan isasagawa naman ito ng lahat ng mga pulis sa paligid ng kailang mga tanggapan.

Giit ni Gutierrez, ito rin ang kanilang nakikitang epektibong kampanya para mabago ang imahe ng kapulisan at para maging epektibo ang kampanya laban sa kriminalidad.

Tiniyak ni  Gutierrez na  sa sandaling panahon ay manunumbalik na ng tuluyan ang  tiwala ng publiko  sa mga kapulisan gayundin sa mga opisyal ng  city government dahil napapanatili ang kalinisan ng lungsod.

Dagdag  pa ni Gutierrez  na napapahon  ang kanilang proyekto dahil isa na namang babae ang naging biktima ng riding in tandem kung saan  ito hinoldap at binaril ng tatlong kalalakihan na sakay ng  motorsiklo.

Samantala,sinabi ni Guttierez na paiigtingin pa ang police visibility ngayon nalalapit ang panahon ng kapaskuhan partikular na sa lugar ng Divisoria na dinarayo sa pamimili ng publiko.

Nabatid na nagpakalat na ang PNP-NCRPO ng karagdagang pulis sa paligid ng Divisoria na dinadayo ng milyun-milyong mamimili tuwing sasapit ang Kapaskuhan at pagpasok ng bagong taon. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply