‘Pinas, matagumpay na nakilahok sa 16th Macau International Trade and Investment Fair

MATAGUMPAY ang naging partisipasyon ng 30-kataong delegasyon ng Pilipinas sa 16th Macau International Trade and Investment Fair (MIF) na naganap noong Oktubre 20-23, 2011 sa The Venetian-Macau Hotel and Resort ayon kay Consul General Renato Villapando ng Konsulado ng Pilipinas sa Macau SAR.

Ngayong taon ang pakikilahok ng bansa ay pinangunahan ng Kagawaran ng Agrikultura na nakangalap ng 15 small at medium enterprises (SME’s) para sa pagtitipon tulad ng KEA Food Products, Akita Herbal Products, MLGS Herb Products, Victoria Foods Co., Tropical Fruit Winery Corp., Trans-Ocean Food Products, Roberto’s Winery Corp., Orich International Traders Inc., Nipa Hut Processed Fruits, Moringa Green Health International, Bluefin Seafood Export Inc., Castillejos Agri Farms Inc., Glorious Industrial Development Corp., COP Pili Nuts, at Yulaik Food Products.

Kabilang sa mga nasabing produkto sa exhibit ang sariwa at naprosesong pagkaing dagat, tropical fruit wines, fruit juices, herbal health supplements, pili nuts, dried mangoes, herbal teas at iba pang pagkain.

Binigyan naman ng mga halimbawa ng mga produktong pagkain sa exhibit ang mga bumisita sa Philippine pavilion. Samantala, nagkaroon naman ng opurtinidad ang mga trader na maturuan sa product offerings at magkaroon ng pagkakataon para sa mga business tie-up sa mga manufacturer.

Malaki naman ang interes na ipinakita ng mga pribadong enterprise at publiko, partikular sa mga tropical fruit wine at processed food item. Karamihan sa mga product inquiry ay nagmula sa mga distributor mula sa Macau, Mainland China at Japan.

Nagtayo din ng sariling booth ang Philippine Consulate General sa Macau SAR sa ASEAN Pavillion kung saan naka-exhibit ang mga tradisyonal na pagkaing Pinoy tulad ng empanada, polvoron at mga prutas na candy na ipinatikim din sa mga bisita.

Naka-display sa booth ng Konsulado ang mga produktong Pinoy tulad ng mga manikang Pinoy, miniature na jeep at maliliit na produktong gawa sa abaca.
Itinaguyod din nito ang Pilipinas bilang isang destinasyon ng mga turista sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mapa at brochure na ipinapakita ang mga sikat na atraksyon ng turista sa bansa.

Ayon sa organizer, dinaluhan ang taunang trade at investment fair ng 95,000 bisita, mula sa nakaraang taong 18,000 bisita.

Nakagawa din ito ng MOP 5 bilyong halaga ng deal, mataas ng 25 porsiyento mula sa nakaraang taon. Mas malaki din sa taong ito ang ginanap na fair ng 18 porsiyento na may 850 lokal at internasyonal na exhibitors mula sa mahigit na 60 bansa.

***

Tatlong Pinoy wagi sa Macau bodybuilding competition

NAGWAGI ang tatlong Pinoy bodybuilder sa ginanap na 2011 Macau Open Bodybuilding Championship and Bodybuilding and Fitness Elite Tournament noong Oktubre 23 sa Tap Seac Multisport Pabilion, Macau SAR ayon kay Consul General Renato Villapando ng Konsulado ng Pilipinas sa Macau SAR.

Tinanghal na kampeon si Jon Galedo at Best in Pose para sa 70kg category; nanalo din si John Alma ng ikatlong puwesto para sa 75kg category; at si Melchor Agor, Jr., ng ikaapat na puwesto sa 70kg category.

Pinangunahan ang kompetisyon ng Sport Development Board ng Macau na sinalihan ng 17 kalahok mula sa iba’t ibang lahi para sa tatlong weight categories. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang mga Pinoy at nagwagi sa nasabing bodybuilding competition.

BANTAY KASO

•ROMEO ABEJERO AT BERNARDA ABEJERO (Mga magulang ng OFW sa Lebanon na biktima ng Ilegal recruitment)

NOEMI DE GUZMAN (OFW)

KASO: Nirecruit umano ng isang banyaga patungong Dubai bilang caregiver, ngunit sa Lebanon pala magtatrabaho bilang household service worker. Nais na lamang umuwi ng bansa dahil hindi na kaya ang trabaho at pagmamaltrato ng kanyang employer.

UPDATE: Nakipag-ugnayan ang Bantay OCW sa Philippine Embassy sa Dubai, UAE upang ipabatid ang kasong ito. Samantala, nakipag-ugnayan rin ang kanyang kapatid na nasa Canada upang ilipat na lamang sa ibang employer ang kanyang kapatid kaysa umuwi siya ng bansa. Sa kasalukuyan, maayos na itong nagtatrabaho sa kanyang bagong employer at handang tapusin ang kanyang kontrata.

•MARISSA GLOBIO (Kapatid ng OFW sa Riyadh, KSA na biktima ng hindi pagsunod sa kontrata)

IMELDA AGADER (OFW)

KASO: Sinasaktan at hindi ibinigay ang anim (6) na buwang sahod.

Nais na lamang makauwi ng bansa.

UPDATE: Kasalukuyan na itong nasa tanggapan ni Atty. Alejandro Padaen ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Nagbigay na sila ng 15-day notice sa ahensyang Al-Ahram Agency upang asikasuhin ang kanyang pagpapauwi.

•RODEL OLICIA, CELSO OLICIA, NORBERTO OLICIA, EDGARDO PONES, HANSEN ABAD at JOSE VICTOR PEŇA (Mga OFW na biktima ng hindi pagsunod sa kontrata mula sa Brunei Darussalam)

KASO: Ika- 14 ng Nobyembre 2011 ng dumating sa bansa ang ating mga kabayan bilang mga construction worker, ngunit maraming hindi natupad na nakasaad sa kontrata, kaya nagdesisyon na lamang umuwi ng bansa. Hiling na makuha ang placement fee at nararapat para sa kanila.

UPDATE: Mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nagtungo sila kaagad sa BANTAY OCW upang idulog ang kanilang mga problema. Nakipag-ugnayan ang BANTAY OCW kay Atty. Carlos Cao, ang Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Mabilis na kumilos ang POEA para makausap ang Confederal Project Manpower Services Inc. Nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2011 nangako ang naturang ahensya na ibibigay na ang nararapat na halaga para sa kanila.

•ROLDAN LLOREN (Kapatid ng minaltratong OFW sa Al Ain, UAE)

RONA LLOREN DELA TORRE (Minaltratong OFW sa Al Ain, UAE)

KASO: Dalawang (2) araw lamang sa kanyang employer ngunit minaltrato na ito. Kasalukuyang nasa prinsipal na ahensya nito sa Al Ain, UAE.

UPDATE: Nakipag-ugnayan ang BANTAY OCW kay Atty. Alejandro Padaen, ang Direktor ng Adjudication Office sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ayon kay Alfonso De Castro ng Head of Repatriation Unit, nakapagpadala na sila ng Request Letter sa Saveway International Services. Gayundin sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa ating Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates kung saan sakop nito ang Al Ain.

***

Bantay OCW sa Radyo Inquirer 990 AM
Ang Bantay OCW ay mapapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes 7:00-8:30 p.m. sa DZIQ Radyo Inquirer 990 AM. Para po sa inyong mga problema, hinaing at
kahilingan, maaaring magtungo sa Radyo Inquirer studio, 2nd Floor Media Resource Plaza Building, Mola St. cor. Pasong Tirad St., Barangay La Paz, Makati City. Para sa mga OFW sa ibayong dagat, mag-log on lamang sa www.dziq.am

Bantay OCW sa PTV Channel 4
Ang Bantay OCW ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 10:15-11:15 p.m. sa PTV Channel 4. Mapapanood din sa pamamagitan ng internet: www.ptni.tv

Bantay OCW Foundation Operations Center
Ang Bantay OCW Foundation Operations Center ay naglilingkod araw-araw Lunes hanggang Biyernes 8:00 a.m.-5:00 p.m. sa 631 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating mga telepono: 5357209, 8819423 at 0919214.0699.

Telephone Numbers:  5357209, 8819423 at 09192140699.
Email: susankbantayocw@yahoo.com/bantayocwfoundation@yahoo.com

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply