‘Sendong’ patungong Palawan

MATAPOS delubyuhin ang Mindanao at ang Visayas, lumihis ang bagyong si “Sendong” (international codename: Washi) kaninang umaga patungong Palawan at may banta itong magbuhuhos din ng malakas na pagulan at malakas na hangin.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na si “Sendong” ay tinatayang tatamang muli sa lupa sa Palawan dakong alas-8:00 ng gabi bago ito tuluyang lumabas sa Philippine area of responsibility sa Linggo (Disyembre 18).

Dakong alas-10:00 ng Sabado ng umaga ay itinaas na ang Signal No. 2 sa Palawan, Southern Negros Island at Zamboanga del Norte habang  itinaas naman ang Signal No. 1 sa Cuyo Island, Southern Cebu, Siquijor at Northern Negros, Zamboanga del Sur at Misamis Occidental.

Sa Linggo ng umaga ay inaasahang makararanas ang Palawan ng katamtamang pag-ulan habang ang mga naunang binayong mga probinsya ay makararanas na ng magandang panahon.

Bahagyang lumakas si “Sendong” habang nasa Sulu Sea nitong Sabado sa taglay na lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro bawat oras at may pagbugso na aabot naman sa 90 kilometro bawat oras habang palapit ito sa Palawan.

Kumikilos ng kanluran, hilaga-kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras ang bagyo.

Ayon sa mga forecasters, tumatawid ang isang cyclone sa Mindanao minsan lamang sa 12 taon.

Habang ang bagyo ay malayo pa para makaapekto sa bansa, ang convergence ng northeast monsoon  at ng easterlies o hangin na mula sa silangan ay inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa Luzon sa araw ng Linggo.  Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply