‘Special treatment’ kay GMA inalmahan

UMALMA ngayon ang mga political prisoners sa ibinibigay na “special treatment” ng Palasyo kay dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na nahaharap sa kasong election sabotage.

Ayon sa grupong Karapatan-Southern Tagalog, kinokondena nila ang magandang tratong tinatamasa ni CGMA na nahaharap sa kaso laban sa taumbayan.

Hiliing ng siyam na political prisoners na gawing maayos ang kanilang kondisyon sa detention facilities sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at Batangas jail. Hiniling din ng grupo na mapalaya na sila sa pamamagitan ng General at Omnibus Amnesty.

Ayon sa grupo, sisimulan nila ang kanilang indefinite hunger strike bilang bahagi ng kanilang pagkondena sa “special treatment” kay Ginang Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply