1 buwang buntis: dalagitang ‘ibinahay’ ng albularyo nabawi na ng magulang

NABAWI na ng kanyang mga magulang ang dalagitang umano’y ginayuma ng isang albularyo makaraang abandunahin sa Grace Parak Avenue ng suspek sa Caloocan City.

Nabatid na dalawang buwan umanong binahay ng isang albularyo na nagngangalang Armando Guanio, 41, si “Joy”, 16, na sa kasalukuyan ay isang buwan nang buntis.

Ayon sa ina ng biktima, inilapit nila kay Guanio si “Joy” para umano’y gamutin sa kulam, subalit inakit ito ng suspek at puwersahang isinama sa kanyang bahay.

Arestado naman si Guanio at kakasuhan ng consented abduction.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply