1 mapuputulan ng paa; 30 sugatan sa paputok

UMAABOT na sa 30 katao ang nasugatan dahil sa paggamit ng paputok, limang araw bago ang pagsalubong sa taong 2012.

Batay sa datos ng “Aksyon: Paputok Injury Reduction (APIR) surveillance update, iniulat ng Department of Health (DOH) na ang naitalang biktima ng firecracker related injuries ay nasa pagitan ng dalawang taon hanggang 49 taong gulang.

Naitala ang naturang bilang simula 6:00 ng umaga ng Disyembre 25, araw ng Pasko.

Samantala, kanina lamang ay isang pitong taong gulang na batang lalaki ang isinugod sa Tondo Medical Center matapos maputukan ng “five star” habang isang lalaki naman ang pinangangambahang maputulan ng kaliwang paa matapos masabugan ng paputok na ‘Goodbye Philippines’ sa Bocaue, Bulacan.

Muli rin namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko partikular na ang mga bata na huwag mamulot ng mga paputok na hindi pumutok upang makaiwas sa disgrasya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply