1 patay, 1 sugatan sa pananaksak

KINAMATAYAN na ang nakabaon na kutsilyo sa kaliwang dibdib ng isang 33-anyos na lalaki habang sugatan ang leeg ang kanyang kapatid matapos makaaway ang kapitbahay sa Parola, Tondo, Maynila kaninang medaling-araw.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center si Gary Pontanares, residente ng No. 592-A   Parola, Tondo dahil sa tinamong dalawang saksak sa braso at sa dibdib malapit sa kili-kili habang ang 34-anyos na kapatid na si Anthony Pontanares, ay may tama ng saksak sa leeg na ginagamot pa sa nasabing ospital.

Pinaghahanap na ng pusliya ang suspek na nakilalang si Leonardo Postrano, 47, residente ng No. 597 Area-A  Gate 3, Parola Compound, Tondo.

Sa ulat ni PO2 Jose Gumilan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:45 ng medaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Letty & Felly Beauty Parlor, sa  Gate 2 ng Parola, Tondo, Maynila.

Nauna rito, nakipagtalo umano ang nakatatandang kapatid ng mga biktima na si Alvin Pontanares sa suspek nang makialam si Gary ay sinuntok umano ang suspek na naging dahilan upang gumanti ng saksak.

Sa tindi ng pagkakasaksak ng suspek ay hindi na nabunot pa ang patalim sa katawan ni Gary kaya umuwi  ang una sa kanilang bahay upang muling kumuha ng patalim na siyang isinaksak naman sa leeg ni Anthony na nakialam na rin sa away.

Kalat na ang dugo sa paligid nang lumabas ang isa pang kapatid na si Angelo Pontanares na siyang nagdala sa pagamutan sa mga kapatid. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply