1 patay, 2 sugatan sa road mishap

PATAY ang isang binata habang kritikal ang dalawang angkas nang masagi ng truck ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo si Jefrrey Bundac, 20, ng Parola, Tondo, Manila.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa katawan si Mearl Chelsea, 20, habang inoobserbahan naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi rin ng pinsala sa katawan si Ivan Carlo Morales, 20.

Sumuko naman si Arnel Upao, 41, driver ng trailer truck (PEQ-781) ng Bustos, Bulacan.

Base sa ulat, dakong 1:00 ng madaling-araw, angkas ng nasawi ang dalawa pang biktima sa Honda (5190-OR) at pagsapit sa C-3 rd. ng lungsod ay nasagi ng kasabay na truck ni Upao.

Tumilapon ang mga biktima at minalas na nagulungan ang ulo ng nasawi na agad na ikamatay nito habang dinala naman ang mga angkas sa mga nasabing ospital. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply