1 patay 3 sugatan sa gumuhong perimeter wall

ISANG construction worker ang namatay samantala tatlo ang malubhang nasugatan makaraang gumuho ang pundasyon ng perimeter wall sa itinatayong billboard sa SM-Masinag, Antipolo kaninang alas-9:30 ng umaga.

Kinilala ang namatay na biktima na si Allan Anthony Pilutado, construction worker na tubong Camarines Sur.

Samantala kinilala ang mga nasugatan at nawalan ng malay na sina Crispin Broan, John Caparo, at Dexter Anthny Aguillo.

Batay sa ulat, ang mga biktima ay nagtatayo ng billboard sa naturang lugar nang biglan gumuho ang pundasyon at natabunan ang mga ito.

Ang mga sugatan ay nilalapatan ng lunas sa Antipolo Medical Hospital. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply