1 patay, 3 sugatan sa jeep na sumalpok sa puno

ISA ang patay habang tatlo naman ang sugatan kabilang ang isang paslit nang mawalan ng preno ang isang pampasherong jeep at araruhin ang tatlong punongkahoy sa Aklan.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapanasanan sa ulo at katawaan ang biktimang si Arlene Rebustes, 54, ng Barangay Nagustan, Nabas, Aklan.

Sugatan naman at nananatilng nakaratay sa Aklan Provincial Hospital ang 4-anyos nitong anak at isang Kent Joshua Villafuerte ng Paniakan Tangalan.

Nakaditine na ngayon sa Aklan police station at nahaharap sa kaukuang kaso ang drayber ng dyip na hindi nakuha ang pangalan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa national highway sa bayan ng Tangalan, Aklan.

Bago ito, nakasakay si Rebustes sa front seat katabi ng driver ng pampasaherong jeep na nanggaling sa Barangay Caticlan, Malay, Aklan at papunta sana sa bayan ng Kalibo.

Pero habang mabilis na tumatakbo ay nawalan ng preno ang naturang dyip at upang mapahinto ay ibinangga ng naturang drayber sa tatlong puno ng mahogany ang kanyang sasakyan.

May 10 sakay na pasahero ang naturang jeep nang mangyari ang aksidente pero nagtamo lang sila ng bugbog sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan. Jeff Antiporda

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply