1 sibilyan patay, 7 sundalo sugatan sa ambush

DAHIL hindi tumupad ang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa pinaiiral na Suspension on Offensive Military Operation (SOMO) ng pamahalaang Aquino simula noong Disyembre 16, sugatan ang pitong sundalo at patay ang isang sibilyan sa nangyaring ambush kahapon (Disyembre 18) sa Surigao del Sur.

Ayon kay Police Senior Supt. Martin Gamba, habang sakay sa military vehicle ang isang squad ng 75th Infantry Battalion Philippine Army  na pinamumunuan ni  2nd Lt. Michael Pascua, galing sa kanilang  Company’s Command Post  sa  Sitio Maputi, Brgy Doña Carmen, Tagbina, Surigao del Sur papuntang Brgy. Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur ay inambush ito ng mga nasa 15 miyembro ng rebeldeng NPA.

Kinilala ang mga sugatang sundalo na sina 2nd Lt Machael Pascua, PFC Gregorio Pacaya, PFC Alberto Caballo, PFC Efraim Joy Maralili, PVT John Ray Rodulfo Del Rosario, PFC Renan Retillo at  PFC Mon Claire Wiff Fernandez.

Samantalang ang namatay na sibilyan ay kinilalang si Lelia S. Lalisan, 63, residente ng Brgy. Maputi, Tagbina, Surigao del Sur na nakisakay lamang sa sasakyan ng military.

Ang mga sugatang sundalo ay nasa nasa mabuti nang kalagayan at nilalapatan ng lunas sa Soriano Hospital. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply