1 tigok, 1 kritikal sa nalubak na motorsiklo

NATIGBAK ang isang binata habang kritikal ang kasama nang magulungan ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo dahil nalubak sa Caloocan City Huwebes ng gabi (Disyembre 29).

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Christopher Tumapang, 30, taga-Hernandez St., Catmon ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi rin ng pinsala sa katawan si Joseph Obresido, 39 ng Shell House ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si James Batitis, 28, driver ng Hino Tractor (RFA-716) at residente ng Mabitac, Laguna.

Base sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, angkas ni Tumapang si Obresido sa Suzuki Motorcycle (ND-3322) at pagsapit sa Samson Rd., Sangandaan ng lungsod ay pinilit ng namatay na mag-overtake sa suspek.

Tumilapon ang mga biktima nang malubak ang sinasakyang motorsiklo at minalas na magulungan pa ng trak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply