1 tigok, 112 sugatan sa paputok– DOH

TATLONG araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umakyat na sa 113 ang bilang ng biktima ng paputok sa buong bansa na kung saan ay isa na ang namatay.

Batay sa DOH surveillance update, mula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 27, ay nakapagtala na sila ng 113 fireworks-related injuries (FRI).

Ito ay mas mababa pa rin naman sa 42 kaso o 27 porsiyento mula sa naitalang 155 kaso noong nakaraang taon sa kahalintulad na petsa.

Gayunman, sa kabila nito ay hindi maiwasan ng DOH ang mangamba dahil sa posibilidad na madaragdagan pa ang mga biktima ng paputok habang papalapit ang Bagong Taon.

Tiniyak naman ni Health Secretary Enrique Ona na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang “Aksyon: Paputok Injury Reduction” (APRI) program upang hikayatin ang mga mamamayam na huwag magpaputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Nabatid na sa kabuuang bilang, 105 kaso (93%) ang dulot ng paputok, pito (6%) ang tinamaan ng ligaw na bala, at isa (1%) ang firecracker ingestion.

Ang pinakahuling biktima ng stray bullet ay isang 35-anyos na lalaki na naglalakad lamang malapit sa sementeryo sa Parañaque City.

Naniniwala ang DOH na ang mas mababang insidente ng FRI ay bunsod nang pakikilahok ng mga local government at non-government organizations (NGOs) sa kampanya ng ahensya laban sa paputok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply