10 metrong baha naman sa Cagayan

HABANG tinatangisan ng buong bansa ang naganap na mga kalamidad sanhi ng baha sa Mindanao at Kabisayaan, lumulubog naman ang napakalawak na bahagi ng Cagayan Valley at ilang bahagi ng Kalinga at Apayao.

Walong bayan sa Isabela na dating hindi gaanong binabaha ang lumulubog habang tinitipa natin ito.

Pero mula sa Tuguegarao City hanggang Aparri, mas grabe ang pagbaha.

Lumobo at umapaw ang nasa 200 kilometrong kahabaan ng Cagayan River mula Isabela hanggang sa bukana ng ilog sa Aparri, Cagayan

Ang Tuguegarao na dating hindi gaanong binabaha, lalo na sa city proper pataas, ay nilulubog na ng 10 metrong taas ng tubig baha mula sa Nueva Ecija at Isabela.

Ano-ano na kaya ang nagaganap sa mga lugar na ito?

Nag-antay tayo, Suki, ng mga kaukulang ulat at habang tinitipa natin ito, 4 na umano ang namatay habang mahigit 50 mil katao ang apektado.

oOo

Gaya ng hubad na katotohanan sa Cagayan de Oro, Iligan at Negros, ang dating magubat na Cagayan Valley ay kalbo na rin.

Ang mga bundok kung tag-araw ay kulay lupa at nagiging berde dahil lamang sa mga damo kung tag-ulan.

Wala na ang mga punongkahoy na tagasipsip ng mga tubig ulan.

Kaya naman, ang tubig-ulan ay mabilis na dumadausdos mula sa mga kabundukan ng Sierra Madre, Caraballo at Cordillera.

Ngunit hindi na lamang tubig-ulan ang baha, bagkus, kakambal nito ang makapal na putik na kung tumama sa mga mamamayan at kabahayan ay ganun na lamang katindi.

Makaraan ang baha, nalulubog sa putik ang lahat ng mga pananim at hindi na tubig baha ang kinakaras mula sa mga tahanan kundi putik din.

PNoy, pakibubusisi naman ang baha rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply