10 sasakyan nabagsakan sa nabutas na tulay

NABUTAS ang Sales Bridge na nag-uugnay sa Villamor Airbase at Fort Bonifacio kaninang umaga.

Paliwanag ni Skyway Vice President for Operations Ed Nepomuceno, mahigit 40 taon na rin ang nasabing tulay kaya mahina na ang pagkakasemento.

Umabot naman sa 10 sasakyan ang nabagsakan ng mga tipak ng bato ng bumigay na bahagi ng tulay.

Sumikip naman ang trapiko sa lugar pero tiniyak ni  Nepomuceno na makikipag-ugnayan sila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maiayos ang trapiko doon.

Sinabi naman ni Engineer Roy Cruz ng Urban Road Projects Office (URPO) ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na maayos nila ang tulay sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply