10 testigo vs Corona hawak na ng prosecution

UMAABOT na sa sampu ang hawak na testigo ng prosecution team ng Kamara na magdidiin sa mga kaso laban kay Chief Justice Renato Corona.

Tiniyak din ni justice committee chairman at lider ng prosecution team na si Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr., na madaragdagan pa ang mga saksi dahil may mga lumalapit sa kanila para magbigay ng impormasyon laban sa punong mahistrado.

Tinitiyak ni Tupas na mabibigat ang testimonya ng kanilang mga saksi dahil may personal knowledge ang mga ito sa mga bintang kay Corona.

Inamin naman ni Tupas na halos walang law firm na nag-aalok ng tulong taliwas sa kaso ng impeachment ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Mayroon naman umanong mga grupo ng abogadong nagboboluntaryo pero hindi galing ang mga ito sa tinatawag niyang mainstream law firm sa bansa.

Kasabay nito, sinabi nina Aurora Rep. Sonny Angara at Sherwin Tugna ng CIBAC Party-list na malamang hindi muna sila magbakasyon ngayong holiday season dahil magiging abala sila sa legal research at magiging depensa sa walong kaso laban kay Corona.

Kailangan din aniyang suportahan nila ng mga ebidensya ang mga alegasyon laban kay Corona para mapalakas ang kanilang reklamong pagpapatalsik dito.

Kinumpirma naman ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, isa sa mga tatayong prosecutor, na kinansela niya ang kaniyang planong bakasyon sa ibang bansa kasama ang walong anak.

Maging si Deputy Speaker Erin Tañada ay hindi na raw aalis ng bansa para makapaghanda sa kanilang magiging depensa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply