13 todas sa Parañaque plane crash

PATAY ang 13 katao kabilang ang dalawang piloto at isang sakay ng light aircraft na bumagsak sa isang “depressed area” sa Barangay Don Bosco sa Parañaque City ngayong hapon.

Halos hindi na makilala ang sunog na sunog na bangkay ng mga biktima kabilang ang dalawang nakilalang piloto na sina Capt. Timoteo Albo at Co-pilot nitong si Jessie Lustica. Inaalam na rin kung nasaan ang isa pang kasamahang piloto gayundin ang pagkakakilanlan ng 10 pang biktima na karamihan ay mga bata.

Umaabot naman sa mahigit 50 kabahayan ang nasunog dahil sa pagbagsak ng eroplano kung saan nadamay ang F. Serrano Elementary School.

Ayon kay Ramon Gutierrez, director general ng Civil Aviation Authority, dakong alas-2:18 ng hapon nang bumagsak ang Queen’s Air light aircraft na may body number na RTC 824 sa Merville Subdivision, Brgy. Don Bosco, Parañaque City.

Napag-alaman sa awtoridad na dakong alas-2:14 ng hapon ng mag-“take-off” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nabaggit na eroplano na patungo sana sa San Jose, Mindoro.

Hinihinalang nagkaroon ng problema sa makina na nagresultsa sa pagbagsak nito.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga tauhan ng Parañaque Police upang maapula ang sunog at magbigay seguridad sa mga residente.

Hindi naman mabilang ang mga nasugatan na dinala na sa Philippine General Hospital at Parañaque Medical Center.

Habang tinitipa ito, patuloy ang retrieval operation ng mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply