100 doktor tumulak sa CDO para sa medical mission

TUMULAK na sa Northern Mindanao ang mahigit 100 doktor ng Philippine Medical Association upang magbigay ng medical mission sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Ayon kay Dr. Oscar Tinio, presidente ng PMA, ang kanilang medical mission ay bahagi ng kanilang pagtulong at regalong handog ng medical association sa mga nasalanta ng flashflood.

Kabilang sa mga tumulak sa Cagayan de Oro ang iba’t ibang spesyalista na siyang magbibigay ng atensyon sa mga biktima na nagkasakit dahil sa kalamidad.

Ayon pa kay Tinio, nakikipagtulungan din sila sa mga private at public medical organizations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply