10,000 pulis ipakakalat sa New Year revelry

MAY 10,000 bilang ng pulis ang ipakakalat sa Metro Manila ngayong araw para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa New Year revelry.

Sinabi ni National Capital Region Police Office chief Director Alan Purisima na ang NCRPO ay mananatiling nasa normal alert pero sinabi na: “we will be everywhere to prevent illegal discharge of firearms and the sale of illegal firecrackers.”

Hinikayat ni Purisima ang NCRPO’s five district directors na magkasa ng patrol operations, lalo na sa bisinidad ng commercial centers para masawata ang mga kawatan na sumalakay sa mga bangko at pawnshop, at sa mga kilalang subdibisyon.

Umaasa si Purisima na ang presensya ng kapulisan sa mga kalsada ang mapapababa sa bilang ng mga kaswalidad sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa Makati City, ipinatupad ang “no firecracker” policy sa barangays Bangkal, Magallanes at Pio del Pilar, na apektado ng oil leaking mula sa pipeline na pag-aari ng First Philippine Industrial Corp.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply