$100,000 donasyon ng US sa biktima ni ‘Sendong’

NAGLABAS na rin ng donasyon na gobyreno ng Estados Unidos ng halagang $100,000 o katumbas ng P4.1 milyon bilang tulong sa mga biktima ni “Sendong.”

Nagpahatid naman ang US government ng kanilang pakikidalamhati sa pamamagitan ni Ambassador Harry K. Thomas, Jr. sa mga nasalanta ng flashfloods.

“On behalf of the U.S. government and the American people, I extend my heartfelt condolences and sympathies to those who have suffered the tragic loss of loved ones, homes, and livelihoods due to floods caused by Tropical Storm Sendong,” ayon kay Thomas.

Sinabi ni Thomas sa kanyang press statement  na ang gobyerno ng U.S  ay nagpahatid ng kanilang tulong sa pamamgitan ng U.S Agency for International Developments (USAID) at Office of Foreign Disaster Assistance (OFDA) na siyang magbibigay ng agarang emergency relief assistance  sa pakikipagtulungan kasama ang US-based non-government organization Catholic Relief Services.

“From our discussions with the Philippine authorities, it appears that among the immediate needs of flood-affected communities are non-food emergency supplies, including water purification tablets, hygiene kits, and containers for potable water, so the United States’ initial contribution in this instance will be used to provide these types of items to the most-affected individuals in Mindanao,” ayon pa kay Thomas.

Ang USAID at OFDA ay nagpadala na rin ng kanilang team nitong Linggo para bisitahin ang naapektuahn ng matinding pagbaha sa mga lugar sa Cagayan De Oro at Iligan upang alamin kong kakailangan pa ang karagdagang pondo mula sa gobyerno ng Amerika.

“As a good friend and longstanding development partner, the United States will continue our work with the Philippine government and remain committed to help Filipinos overcome this great tragedy,” ani Thomas.

Sa loob ng 50 taon, ay naging key partner na ngPilipinas ang US sa pagbibigay ng humanitarian needs sa mga Filipino sa panahon ng mga sakuna. Ang Amerika rin ay kabilang sa mga bansang aktibong tumulong  sa mga naging biktima ng mga bagyong “Reming” at  “Milenyo” noong 2006, “Frank” noong 2008 at “Ondoy” noong 2009. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply