Walang takot si Jobert Sucaldito!

WALA talagang takot ang katoto namin sa panulat na si Jobert Sucaldito. Inaakusahan n’ya si Kris Aquino ng pananabotahe kung bakit 17 prints lang ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ang umano’y nagawa ng SQ Laboratories para sa opening day ng Metro Manila Film Festival (na, actually, ay di lang sa Metro Manila idinaraos kundi sa buong bansa) nung December 25.

Sa kanyang Facebook (FB) account ginawa ni Jobert ang pagpaparatang n’ya laban kay Kris. Sa nasabing laboratoryo din kasi nagpagawa ang Star Cinema ng color prints ng Segunda Mano, ang entry ni Kris kung saan di lang siya aktres kundi producer rin.

Sa kabilang banda, si Jobert ang publicist ng Manila Kingpin na talaga namang maraming kontrobersyang nasuungan bago ito tuluyang naipalabas. In fact, parang muntik na ngang di ito maipalabas dahil nakakuha ng temporary restraining order (TRO) ang mismong direktor nito na si Tikoy Aguiluz na ayaw ipalagay ang pangalan n’ya sa pelikula at sa publicity and promo materials ng pelikula.

Alam n’yo na sigurong ibinulgar ni Tikoy na nagsyuting si Jeorge “E. R.” Estregan (also known as Laguna Governor ER Ejercito in real life) ng mga dagdag na eksena para sa pelikula, at hindi si Tikoy ang pinagdirek ng producer. Dahil may mga bagong materyales para sa pelikula, ipina-re-edit ito nang wala ring pasabi kay Tikoy. Pati raw ang pagpili ng theme song ay di ipinaubaya ng producer ng pelikula sa direktor nito.

Tinanggal na ang pangalan ni Tikoy sa pelikula kaya naipalabas na ito. Pero yun nga, ayon kay Jobert, 17 prints lang ng Manila Kingpin ang natapos nung opening day ng film fest dahil pinresyur daw ni Kris ang SQ Laboratory na ang Segunda Mano n’ya ang unahin.

Happily, nung second day ng festival, nabuo na ang 51 prints ng Manila Kingpin. Unhappily, as of noontime ng second day (December 26), kulelat ang pelikula sa pitong entries — samantalang pumapangatlo naman ang Segundamano. Nangunguna sa kita sa takilya ang  Enteng Ka Ng Ina Mo at pumapangalawa ang Panday.

May mga nagsasabing pang-best actress award ang performance ni Kris sa pelikula–pero kinokontra na yon ni Jobert. Di raw siya naniniwalang mahusay umarte si Kris. Pero wala rin namang binanggit si Jobert sa FB account n’ya kung sino sa paghuhusga n’ya ang magwawaging best actres.

Wala talagang takot si Jobert. Maaalalang bale siya ang dahilan kung bakit lumabo ang career ni Willie Revillame. Hinamon ni Willie ang ABS-CBN 2 management na patal -sikin si Jobert sa radio program n’ya sa DZMM na pag-aari rin ng  ABS-CBN at bi- lang segment host ng The Buzz. May komentaryo kasi noon si Jobert tungkol sa Wowo- wee na di nagustuhan ni Revillame. Hindi pinatalsik si Jobert at sa halip ay sinuspinde si Willie. And the rest is history, ‘ika nga!

Habang sinusulat namin ito, wala pa namang reaction si Kris sa bintang sa kanya ni Jobert. Kung mag-react si Kris at magkaron ng negatibong ipekto yon sa career ni Jobert, aba, pwedeng makahabol yon sa Top 2011 Pinoy Showbiz Stories.

Patulan kaya ni Kris si Jobert?

o0o

ISA si KC Concepcion sa mga artistang naging abala sa pagpunta sa mga lugar sa Min- danao na matinding naapektohan ng bagyong Sendong (actually, ang ilang bahagi nang Negros island sa Visayas ay severely affected din). Ang isang dahilan kung bakit n’ya ginagawa yon ay dahil UN Ambassador for Feeding the Hungry Children of the World.

Pero mabuti na nga yong may matindi siyang pinagkakaabalahan para hindi maubos sa self-pity and regret ang oras n’ya na posibleng maging resulta ng pagkasiphayo ng relasyon nila ni Piolo. Kesa maawa siya sa kanyang sarili, sa mga nasalanta na lang siya mahabag at maglaan ng napakaraming enerhiya at panahon.

Actually, posibleng si Piolo man ay tahimik na abala sa pagtulong sa mga taga-Mindanao sa pamamagitan ng kanyang foundation na Hebreo 12: 1 at sa pakikipagtulungan sa Sun Life Financial na siya ang pangunahing endorser.

Oo nga pala, hindi naman pala lumipat si KC sa TV 5 mula sa ABS-CBN. Hindi n’ya sinundan ang butihin n’yang ama at ina na parehong nasa TV 5 na ngayon. Sinundan lang n’ya ang megastar sa pagpapa-manage kay Vic del Rosario na siyang masasabing nagpasikat kay Sharon Cuneta noon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply