1,080 patay, 1,079 nawawala dahil kay ‘Sendong’

PATULOY na tumataas ang bilang ng patay sa bagyong “Sendong” at kahit ang awtoridad ay napansin na lumobo rin ang bilang ng nawawala.

Sa kanilang ulat kaninang dakong alas-6:00 ng umaga, sinabi rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang mga nasirang mga ari-arian ng Sendong ay umabot na sa P1-billion mark.

Sinabi ng NDRRMC na ang bilang ng kaswalidad ay nadagdagan pa ng 70 kaya ang bilang ngayon ng mga namatay ay sumirit pa  1,080 na dating 1,010 lamang habang umakyat din sa 1, 079 ang bilang ng nawawala.

Sinabi rin  ng NDRRMC na naapektuhan ng Sendong ang may  102,899 pamilya o 674,472 katao sa 766 villages sa 52 towns at walong siyudad sa 13 probinsya.

Sa kabuuang nabanggit na bilang, 13,090 pamilya o 48,980 katao ang sinisilbihan sa 45 evacuation centers.

Tinataya namang aabot na sa P1,033,131,515, ang nasirang mga ari-arian kabilang ang P1,031,195,100 sa imprastraktura at P1,936,415 naman sa agrikultura.

May 9,433 kabahayan naman ang nawasak habang 18,616 ang nasira.

Sa kabilang dako, may tatlong tulay at tatlo namang kalsada sa Central Luzon at Regions 10 at 11 ay patuloy na hindi madaanan.  Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply