10M piraso ng bagong P1 inilabas ng BSP

NAGLABAS na ng 10 milyong piraso ng bagong disensyo ng pisong barya ang bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang paggunita  sa ika-150th kaarawan ni Gat Jose Rizal sa Disyembre 30.

Ayon sa pamunuan ng BSP, ang pisong barya umano ang pinakamaladas na gamitin o gastosin ng mga Pinoy.

Kaya naman naglabas na sila ng bagong commemorative peso coin   kung saan buong mukha ng pambansang bayani ang makikita ngayon sa nasabing barya kumpara sa dating pisong barya na naka-side view ang muka ni Rizal.

Nabatid na gawa sa nickel plate at steel ang piso na may bigat na 5.35 grams at 24mm diameter tulad din sa lumang pisong barya.

Ayon pa sa BSP, mula noong taong 1901 ay makikita na ang muka ni Rizal sa pisong  barya. Nanawagan din ang BSP na huwag itago ang mga pisong barya upang hindi magkaubusan dahil may epekto ito sa ekonomiya.

Makikita rin umano sa kauna-unahang  pagkakataon ang bagong logo ng BSP sa likod ng pisong barya.

Wala na rin umanong coin smuggling ngayon ayon sa BSP dahil gawa na ito sa steel at hindi na maari pang ibenta .

Kaugnay nito, ipinag-utos na rin ng BSP ang mga bangko na tiyakin na may supply ng pera ang  kanilang mga automated teller machine (ATM) ngayong panahon ng Kapaskuhan..

Payo din ng BSP sa publiko na tandaan na ang bawat pisong barya ay mahalaga kaya huwag itong maliitin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply