11-anyos niluray na, pinatay pa

KAGIMBAL-GIMBAL ang sinapit ng isang 11-anyos na batang babaematapos itong pagsamatalahan at patayin ng isang factory worker Lunes ng umaga (Disyembre 26) sa isang madamong lugar sa Camarin Caloocan City.

Malamig na bangkay na nang matagpuan ang katawan ni Louise Ann Maceda,  grade Vi (6) pupil at taga-Dalanghita St., San Vicente Ferrer ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Gerry Azarcon y Villano, 23, binata, residente rin sa nasabing lugar at nahaharap sa kasong murder.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ng maganap ang nasabing krimen sa madamong bahagi ng Dalanghita St, sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng saksing si JR, 16, nakita niya na pinagsamantalahan ng suspek ang biktima.

Natakot umano siya dahil baka pagbalingan ng suspek kapag nagsumbong sa mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of Crime Operatives pinaniniwalaang namatay ang biktima sa pamamgitan ng pagsakal sa leeg.

Bukod sa duguan ang bibig ng biktima, duguan din ang panty nito.

Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon sa nasabing krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply