11 barangay sa Consolacion, Cebu, isinailalim na sa state of calamity

ISINAILALIM na rin sa state of calamity ang 11 barangay sa bayan ng Consolacion, Cebu na nasalanta ng baha dahil sa mahigit isang araw na pag-ulan simula pa noong Lunes.

Ang mga barangay ay ang Cansaga, Pitogo, Nangka, Jugan, Danlag, Garing, Panas, Lanipga, Panoypoy, Tilhaong Ug at Tayud.

Idineklara ang state of calamity base sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council dahil sa daan-daang mga residente na ang inilikas matapos umapaw ang tubig sa Cansaga River at bumaha sa mga kabahayan.

Nagpalabas na ng inisyal na P2.4-milyon na calamity fund para sa relief operations na ipapamahagi sa mga naapektuhan ng baha.

Nag-abot din ng mga relief goods kahapon (Disyembre 28) ang mga lokal na opisyal sa lalawigan sa pamumuno ni Governor Gwen Garcia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply