12 nalason sa kinaing lechon, cake sa La Union

ISINUGOD sa pagamutan ang 12 indibidwal makaraang malason sa kinaing cake at lechon na baboy habang nagdiriwang ng Pasko kahapon (Disyembre 25) sa dalawang makahiwalay na lugar sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Nabatid ngayong umaga mula sa Ilocos Training and Regional Medical Center, na pitong katao umano ang sumama ang pakiramdam matapos na kumain ng cake sa Barangay San Agustin at lima naman ang kumain ng lechon sa Barangay Calabugao sa nabanggit na lungsod.

Halos magkasabay umanong isinugod sa pagamutan ang mga biktima nang makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi.

Sinasabing panis na umano ang kanilang mga kinain na naging sanhi ng kanilang pagkalason.

Gayunman, nakalabas na rin sa pagamutan ang mga biktima matapos silang malapatan ng lunas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply