12 sugatan sa karambola ng sasakyan

UMABOT sa 12 pasahero ang nasugatan sa karambola ng dalawang pampasaherong bus at isang taxi sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga kanina sa kahabaan ng Edsa Cubao at Aurora Blvd., QC.

Sinabi ni Emy Valderama, radio operator ng QC District Traffic Sector 3, isinugod ang mga nasugatan sa Quirino Labor Hospital at East Avenue Medical Center.

Ayon sa ulat, sa hindi pa mabatid na kadahilanan ay nagbanggaan ang pampasaherong bus na Alps (TYS-418)  na minamaneho ni Ricardo An, 58, at Malanday Metro Link bus (TWR-385) na minamaneho ng driver nito na si Wilson Ilagan, 51.

Nadamay naman sa naturang banggaan ang isang taxi (TXS-431) na minamaneho ni Reynaldo Samortin, 53.

Ayon sa ulat, tinatahak ng dalawang pampasaherong bus ang North bound ng Edsa sa Cubao nang maganap ang karambola.

Agad naman isinugod sa naturang mga pagamutan ang mga pasahero ng Alps bus na nasugatan sa naturang karambola.

Inaalam pa ng trapik investigator ang sanhi ng naturang aksidente at kung sino ang may kasalanan sa naturang aksidente. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply