12:30 ng hapon

SI Vice President Jojo Binay ang unang nakapanayam ng media nang makumpirma ang pagbitay sa isa na namang drug mule sa China. Nalungkot na naman ang buong bansa.
Para tuloy lagi na lang nangyayari ang ganito.

Oo at pangalawa lang naman talaga, pero noong una kasi ay hindi lang isa ang binitay na tinagurian ngang drug mules, tapos ay sobra pang hyped-up sa media kaya tuloy pakiramdam ng marami ay madalas na ang ganito. May  narinig  nga ako na binansagan na naman tayo na bansa daw ng drug mules. Nakalulungkot naman.

Hindi masyadong nabusisi ng media ang nangyaring pagbitay kahapon sa China. Dahil na rin sa hiling ng pamilya ng biktima na huwag na lang tumutok ang media sa nangyari nga na pagbitay by lethal injection. Hindi rin pinangalanan ang nasabing drug mule.

Pero may mga lumabas pa ring mga batikos. Sabi ng ilang militanteng grupo, mabagal daw kasi ang naging pagkilos ng gobyerno ng Pilipinas. Matagal na raw pala ang kaso pero gaya ng dati ay natutukan lang nitong huli na ang lahat.

Pero sa aking palagay ay nagsikap din naman ang pamahalaan sa pamamagitan ni Vice President Binay na nagpunta pa mismo sa China. Ayon pa kay Binay ay nakipag-ugnayan na siya sa pamahalaan ng China, Abril pa lang ng taong kasalukuyan.

Pero sa simula pa lang ay nagbitaw na ng pahayag ang gobyerno ng China. Ang sabi nila, sa kanilang bansa raw ay nakaangkla sa titik ng batas ang ginagawa nilang desisyon bilang isang bansa. Sabi pa nila ay naniniwala ang pamahalaan ng China na  maiintindihan ng Pilipinas ang kanilang naging pasya.

Hindi ko masyadong natutukan ang takbo ng kasong ito. Pero sa pahayag ng bansang China, malalaman agad natin na matindi nga ang kanilang paninindigan na gamitan ng kamay na bakal ang sinoman na magkasala lalo at tungkol sa iligal na droga.

Isa sa pinakamabigat na kasalanan sa kanila ay ang pagtutulak ng bawal na droga.

Malaki ang implikasyon ng krimen na ito sa komunidad. Nakasisira ng buhay, nakawawasak ng kinabukasan.

Pero dapat hindi lang China ang may ganitong pananaw tungkol sa illegal drug.

oOo

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply