14 namatay sa plane crash kinilala na

KINILALA na ang 14 namatay sa pagbagsak ng isang light aircraft sa residential area noong Sabado ng hapon sa Parañaque City.

Bagama’t sunog na sunog ang bangkay ng karamihan sa mga biktima, isa-isa silang kinilala ng kani-kanilang pamilya kabilang ang tatlong taong gulang na si Klyde Reflordo, Maricel Rodriguez, Edna Moreno, Janine Moreno, Rowena Moreno, Rowell Moreno, Arnold Moreno, Maribel Nolasco, Margarita Ranon at limang taong gulang na anak na si James Ranon, Roldan Sabidoria, pilotong si Capt. Timoteo Albo, co pilot na si Capt. Jessie Kim Lustica at pasaherong si Julius Dorado, 21.

Lima naman sa 11 nasugatan sa naturang trahedya ang nananatili pa rin sa iba’t ibang pagamutan, kabilang sina Rodelyn Molina na nakaratay pa sa Makati Medical Center, Melvin Molina sa Veterans Memorial Medical Center, Edna Bigay, Kevin Josh Molina at Emilita Abreu na pawang nasa Parañaque Doctors Hospital.

Kasalukuyan namang nasa Royalty Funeral Homes sa Las Piñas City ang mga sunog na bangkay ng mga biktima upang isailalim sa awtopsiya.

Sinabi naman ni Parañaque city Mayor Florencio Bernabe, Jr., na ginamit bilang evacuation center ng mahigit sa 50-pamilya sa nasunog na kabahayan na binagsakan ng eroplano ang Annex 35 covered court sa John St, Better Living Subdivision, Don Bosco habang ang ilan ay nagsisimula nang linisin ang kanilang lugar upang muling pagtayuan ng kanilang tirahan.

Simula naman kahapon ay hindi na pinapasok ang may 3,700 na mga estudyante ng nasunog ding F. Serrano Elementary School upang mapasimulan kaagad ang pagtatayo ng naturang paaralan na pagtutulungang tustusan ng Department of Education at lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply